PINAPALAKAS ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga hakbang upang mapigilan ang paggamit ng mga pekeng dokumento sa paglalakbay, kasabay ng babala mula sa mga awtoridad na nagiging mas komplikado ang mga modus operandi ng mga trafficking syndicates sa mga hangganan ng bansa.
Naglabas ng advisory ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) matapos makatanggap ng mga ulat tungkol sa mga biyahero na gumagamit ng pekeng CFO certificates, o pinanlinlang na mga kontrata sa trabaho, at peke mga overseas work permits.
Ayon kay CFO Secretary Dante “Klink” Ang II, Hindi dapat tayo maging kampante.
Hinimok niya ang mga Pilipino na maging mapagmatyag at siguraduhing legal ang mga transaksiyon sa kanilang paglalakbay
“We cannot become complacent. I urged Filipinos to stay vigilant and transact only through legitimate channels,” ayon kay Dante “Klink” Ang II, CFO Secretary.
Batay sa ulat ng BI, may mga naitalang kaso kung saan mga grupo ang nagpapanggap na mga misyonaryo ng simbahan ngunit natuklasang recruited para sa ilegal na trabaho sa ibang bansa.
Dahil dito, binigyang-diin ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pagpapalakas ng inspeksiyon sa mga pangunahing paliparan at pantalan sa bansa.
Aniya pa, ipinapakita ng mga kasong ito ang agarang pangangailangan para sa patuloy na modernisasyon ng ahensiya.
“Modernizing the systems of the BI has always been my drive. We are operating on an 85-year-old law, and our technologies are almost outdated,” wika ni Joel Anthony Viado, Immigration Commissioner.
Nagde-deploy rin ang BI ng karagdagang tauhan sa mga pangunahing paliparan habang pinalalawak ang paggamit ng biometric systems.
Mahigpit din ang koordinasyon nila sa CFO, Department of Foreign Affairs (DFA), at iba pang law enforcement agencies upang matukoy agad ang mga pekeng travel documents bago makalabas ang mga biyahero ng bansa.