Burj Khalifa sa Dubai, pinailawan bilang pagkilala kay Queen Elizabeth II

Burj Khalifa sa Dubai, pinailawan bilang pagkilala kay Queen Elizabeth II

PINAILAWAN ang Burj Khalifa na pinakamataas na gusali sa mundo ng imahe ni Queen Elizabeth II bilang pagkilala sa pinakamahabang pamumuno ng Reyna sa Monarkiya ng Britanya.

Ilang segundo matapos ipakita ang imahe ng Reyna ay binalot naman ng British Flag ang Burj Khalifa.

Samantala, ang mga landmark sa Abu Dhabi ay nagkulay “purple” naman bilang pagrespeto sa Reyna.

Maliban sa Burj Khalifa, ilang kilalang sites sa mundo ang nagkaroon ng tribute kay Queen Elizabeth gaya ng Brandenburg Gate sa Berlin, Empire State Building sa New York, at Sydney Opera House.

Nakatakda namang isagawa ang funeral ng Reyna sa Lunes, Setyembre 19.

Samantala, binisita rin ng mga residente ng UAE ang Queen Elizabeth 2 na barko sa Dubai at nag-iwan ng mga bulaklak at ornamento rito.

Follow SMNI NEWS in Twitter