Business plan competition para sa mga estudyante ng QC, sinimulan na

Business plan competition para sa mga estudyante ng QC, sinimulan na

SINIMULAN na ng Quezon City LGU ang kanilang “Startup QC Business Plan Competition” para ma-enhance ng mga estudyante ang kanilang skills sa larangan ng pagnenegosyo.

Maaaring sumali ang lahat ng mga mag-aaral na taga-Quezon City at nasa legal na edad.

Sa programa, hinihikayat ang aplikante na magpadala ng kanilang business ideas na nakatutok sa sektor ng agrikultura, edukasyon, kalikasan, kalusugan at government services.

Pagkatapos ay sasailalim sa cadetship training sessions ang kuwalipikadong mga mag-aaral.

Maaaring manalo ang sinumang sasali ng hanggang P100,000 para sa kanilang business ideas.

Sa lahat ng interesado ay maaaring magpa-register sa qceservices.quezoncity.gov.ph hanggang Setyembre 14, 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble