CAAP magpapatupad ng heightened alert ngayong Semana Santa

CAAP magpapatupad ng heightened alert ngayong Semana Santa

NAKAHANDA na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023, ang mga paliparan na pinapatakbo ng CAAP ay nasa heightened alert mula Abril 2 hanggang Abril 10, 2023.

Lahat ng 12 area manager na humahawak sa lahat ng mga paliparan na pinapatakbo ng CAAP na may mga komersiyal na flight sa buong bansa ay dapat tiyakin ang pagsunod sa maximum deployment ng serbisyo at security personnel.

Dahil dito ipatutupad ang “no leave” policy sa buong panahon ng Oplan Biyaheng Ayos.

Matatandaan na sa datos noong April 2021,  tumanggap ang mga paliparan ng CAAP ng mahigit  231-k na mga pasahero habang noong noong April 2022 ay may mahigit 1.7-M na mga pasahero ang napagsilbihan ng mga paliparan ng CAAP.

Ngayong taon, inaasahan ng awtoridad na aabot sa mahigit 2 milyong manlalakbay ang travel surge.

Inaasahan ng CAAP na ang passenger air traffic recovery o pagbawi sa Pilipinas sa mga darating na taon ay tataas sa pagitan ng 7-10% taon-taon habang patuloy na lumuluwag ang travel restrictions.

Follow SMNI NEWS in Twitter