CAAP, magpatutupad ng no-fly zones sa Batasan Complex at sa paligid nito para sa SONA ni PBBM

CAAP, magpatutupad ng no-fly zones sa Batasan Complex at sa paligid nito para sa SONA ni PBBM

MAGPATUTUPAD ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng limitado at no-fly zone sa Batasan Complex sa Quezon City at paligid nito.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng lahat na dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Lunes, Hulyo 25, 2022.

Epektibo ang no-fly zone sa Batasan Complex simula bukas, araw ng Sabado hanggang sa Lunes. Kaugnay nito, nagpalabas ng notam o notice to airman ang CAAP.

Sinuspinde rin ang mga training flight ng mga flying school sa loob ng Luzon mula Hulyo 23, sa ganap na 2pm-5pm hanggang Hulyo 25 sa ganap na 1pm-7pm.

Nakasaad din sa notam na asahan ang pagkaantala sa pagdating at pag-alis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa mga paghihigpit.

 

Follow SMNI News on Twitter