CAAP may paalala sa mga pasahero sa pagdadala ng power banks

CAAP may paalala sa mga pasahero sa pagdadala ng power banks

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paglalagay ng power banks, isang uri ng portable lithium-ion battery device, sa check-in baggage dahil sa panganib ng sobrang init at sunog.

Maaari lamang itong dalhin sa hand-carry luggage kung ang power bank ay may kapasidad na hanggang 100Wh (watt-hours).

Ang mga power bank na nasa pagitan ng 100Wh at 160Wh ay nangangailangan ng pag-apruba ng airline bago dalhin sa loob ng eroplano, habang ang mga power bank na higit sa 160Wh ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga flight.

Ang hakbang na ito ng CAAP ay kasunod ng mga ulat ng sunog sa eroplano na pinaghihinalaang dulot ng power banks, tulad ng insidente sa Batik Air na nagmula sa Johor Bahru patungong Bangkok, kung saan nagkaroon ng usok sa cabin dahil sa power bank ng isang pasahero.

Dahil din dito, ipinagbabawal na rin ng ilang airline, tulad ng South Korean airline, ang paglalagay ng portable chargers sa overhead bins o cabin ng eroplano.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble