CAAP, naglabas ng NOTAM kasunod ng pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon

CAAP, naglabas ng NOTAM kasunod ng pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon

MULI na namang naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasunod ng pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon noong Linggo, Pebrero 4, 2024.

Ang NOTAM ay epektibo simula February 4, 2024, 07:12pm hanggang February 5, 2024 ng 4:00pm.

Sa nasabing NOTAM at dahil nasa alert level 2 na ngayon ang Bulkang Mayon, ipinagbabawal na ang mga flight na mag-operate sa 10,000 talampakan mula sa ibabaw ng bundok.

At pinayuhan na iwasang lumipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil ang abo mula sa biglaang phreatic eruption ay maaaring mapanganib sa sasakyang panghimpapawid.

Samantala walang nakitang ashfall sa runway ng Bicol International Airport, ngunit patuloy na nagsasagawa ng mahigpit na inspeksiyon upang suriin ang posibleng ashfall at iba pang mga contaminants.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble