MATAGUMPAY na nakumpleto ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang unang schedule ng maintenance activity nito sa air navigation system nito nang walang apektadong flights.
Sa ilalim ng maintenance activity ng CAAP ay ang pagsasaayos ng Automatic Voltage Regulator (AVR), pagpapalit ng power supply, pag-upgrade ng air traffic management system, A/B power supply ng Philippine Air Traffic Management Center (ATMC).
Isinagawa ang unang maintenance activity Mayo 3, mula 2 am – 4 am na susundan ngayong darating na Mayo 17 mula 12 am – 6 am.
Ang nasabing maintenance activity ay isinagawa matapos ang pagkawala ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Lunes, Mayo 1, 2023.