CAAP nananawagang maging maingat sa pagpapalipad ng mga drone

CAAP nananawagang maging maingat sa pagpapalipad ng mga drone

SA patuloy na pagdami ng mga gumagamit ng mga drone sa bansa, nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko na maging responsable sa paggamit ng mga ito.

Dahil sa patuloy na dumarami na drone users sa iba’t ibang bahagi ng bansa, naglabas ang ahensiya ng mga paalala para sa tamang paggamit nito.

Layunin nitong mapanatili ang kaligtasan ng lahat at maiwasan ang abala sa himpapawid.

Narito ang ilang paalala:

  • Huwag magpalipad ng drone malapit sa paliparan. Kailangang labas sa 10-kilometrong no-fly zone.
  • Dapat ay kita pa rin sa paningin ang drone habang ginagamit.
  • Iwasang magpalipad kung masama ang panahon o mahina ang visibility.
  • Ihinto agad ang paglipad kung may dumaang eroplano.
  • Kung may nasaktan o nasira dahil sa paggamit ng drone, kailangang i-report ito sa loob ng 48 oras.

Mga bawal gawin:

  • Bawal mag-drone kung lasing o naka-droga.
  • Iwasang magpalipad sa mataong lugar, sa gitna ng emergency, o malapit sa mga sensitibong pasilidad.
  • Bawal din ang pagpapalipad sa gabi o habang nasa loob ng gumagalaw na sasakyan.
  • Hindi puwedeng magpalipad sa mga bawal na lugar, lalo na sa paligid ng paliparan.

Dagdag pa ng CAAP, ang mga gustong gumamit ng drone para sa pagnenegosyo ay dapat kumuha ng Certificate of Authorization mula sa ahensiya. Kailangan ding makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa mga kaukulang permit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble