SINIMULAN ng Cagayan de Oro LGU nitong Lunes, ang pagbebenta ng bigas sa mas mababang ceiling price kaysa sa itinakda sa ilalim ng Executive Order (EO) 39.
Ibenebenta na ng lolakidad ang well-milled na bigas sa P43 kada kilo habang ang premium na bigas ay ibenebenta sa P45 kada kilo na mas mababa ito sa ceiling price ng EO 39 na P45 kada kilo sa well-milled na bigas at P46 kada kilo sa premium na bigas.
Ayon kay Jose Edgardo Uy, Chair of the City Regulatory Compliance Board, ang hakbang para sa minimum na presyo ng bigas ay ipatutupad lamang mula Setyembre 11-15 at limitado lamang sa 5 kilo araw-araw para sa pantay-pantay na pamamahagi.
Nakipag-ugnayan naman aniya ang board sa Department of Trade and Industry (DTI) at ang City Price Coordinating Council para sa nasabing inisyatibo.