Cagayan Province, wala pang naitatalang casualty dulot ng Super Typhoon ‘Egay’

Cagayan Province, wala pang naitatalang casualty dulot ng Super Typhoon ‘Egay’

WALA pang naitalang casualty dulot ng Super Typhoon ‘Egay’ sa Cagayan Province.

Isang araw bago tuluyang mag-landfall ang Bagyong Egay sa Fuga Island, Aparri sa lalawigan ng Cagayan pasado 3:00 ng umaga nitong Miyerkules Hulyo 26 ay suspendido na ang klase at trabaho sa parehong government at private group kung saan wala pa namang naitatalang casualty sa lugar.

Nakararanas ng malakas na hangin at malakas na buhos ng ulan ang lalawigan ng Cagayan kung kaya itinaas sa Signal No. 4 ang Northern Cagayan at Signal No. 3 naman ang Southern Cagayan dulot ng Super Typhoon Egay.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News North Central Luzon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, sa awa ng Diyos ay wala pa naman umanong naitatalang casualty sa lalawigan at patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagsusuri sa mga pinsalang dulot ng Super Typhoon Egay.

“Ina-assess po naming na wala po tayong casualty reported even in this point of time sana ganun na nga, ina-assess po namin ‘yung mga damages, may mga bridges din po tayong hindi na passable especially diyan sa Peña Blanca and ‘yung malaking bridge din natin, ‘yung overflow bridge natin dito sa Chico Rio dito sa …ay hindi na rin po passable,” ayon kay Governor Manuel Mamba, Province of Cagayan.

Binabantayan din ang maaaring pagtaas ng lebel ng tubig sa Cagayan River na umaabot sa 10 kilometro ang kritikal na lebel nito.

Kaugnay rito, nasa 20,000 na evacuees na ang nanatili sa iba’t ibang evacuation center partikular sa mga coastal towns sa first at 2nd District ng Cagayan.

Dagdag pa nito, nakatutok din sila sa mga posibleng storm surge at localized flooding sa Cagayan Province.

Panawagan ni Gov. Mamba sa mga residente ng lalawigan, “Huwag pong magtiwala na porke wala ng bagyo ay basta-basta makauwi na tayo, siguraduhin lang po natin na alam din po natin ang nangyayari sa ating mga river channels, dahil ito po ay sabay-sabay, meron na tayong problema sa bagyo, may problema tayo sa surge, may problema tayo sa flooding, ‘yung mga rivers po natin ay nag-uumpisa pa lang na lumalaki, nagsu-swell kaya huwag po magtiwala.”

Patuloy naman ang ginagawang tulong ng lokal na pamahalaan, munisipalidad, at mga barangay sa mga kababayang apektado ng Super Typhoon Egay sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter