BATAY sa inilabas na calendar of activities ng Commission on Elections (COMELEC), sa Agosto 31 ang huling araw ng registration ng Register Anywhere Program (RAP) habang sa Setyembre 30 ang last day ng local at overseas registration.
Oktubre 1-8, 2024 ang panahon ng pasahan ng certificate of candidacies (COCs) ng mga tatakbo at siya ring pasahan ng certificate of nominations and acceptance ng mga party group.
Ang election period at gun ban ay iiral mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025.
Ang campaign period ng mga senatorial candidates at party-list ay mula Pebrero 11, 2025 hanggang Mayo 10, 2025.
Sa Marso 28, 2025 – Mayo 10, 2025 naman papayagan ang pangangampanya ng mga kandidato para sa House of Representatives (HOR) at mga parliamentary, provincial, city at municipal official.
Naka-schedule bumoto sa Abril 13 – Mayo 12, 2025 ang mga overseas voter habang sa Abril 28 – Abril 30, 2025 naman ang local absentee voters.
Pagdating ng Mayo 11, 2025 ay ipatutupad ng COMELEC ang liquor ban.
Bawal na rin ang pangangampanya pagdating ng Mayo 11, 2025. Mayo 12, 2025 ang election day.
Ang pasahan ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidato ay itinakda naman sa Hunyo 11, 2025.
Muling nagpaalala ang COMELEC na bawal na ang substitution ng mga kandidato pagkatapos ng Oktubre 8, 2024.