California, ipinatupad ang libreng lunch meals sa lahat ng estudyante sa mga paaralan

California, ipinatupad ang libreng lunch meals sa lahat ng estudyante sa mga paaralan

NAGLUNSAD ang California sa Amerika ng Universal Meals Program para sa lahat ng estudyante simula ngayong pasukan kung saan ang lahat ng mga pampublikong paaralan ay makakakuha ng libreng tanghalian at almusal.

Kabilang dito ang mga mag-aaral sa mga distrito ng pampublikong paaralan ng estado, mga opisina ng edukasyon ng county at mga charter school na nagtuturo sa mga estudyante sa transitional Kindergarten hanggang Grade 12.

Ang programa ay bahagi ng State Assembly Bill 130, na nakatutok sa education at finance na nilagdaan ni Gov. Gavin Newsom noong 2021.

Ang pagpopondo ay mula sa departamento ng edukasyon.

Ang 30% na pagtaas ng badyet sa pagpopondo sa pampublikong paaralan ng California, ay kinabibilangan ng pagtaas ng hanggang $80.4 bilyon mula sa orihinal na $69.3 bilyon noong 2020.

Ang mga opisyal ng paaralan, mga mambabatas, mga organisasyong nakatutok sa krisis ng pagkain at mga magulang ay pinuri ang pangunguna na proyektong ito upang higit na maibsan ang mga negatibong konotasyon sa paligid ng mga programa sa tulong ng maayos at masaganang pagkain.

Ang New York, Boston at Chicago ay may mga libreng pakain din sa mga paaralan sa kanilang mga syudad, gayunpaman ang California ay ang tanging estado na naglunsad ng parehas na programa sa lahat ng siyudad nito, mapa-mahirap man o mayaman.

Follow SMNI NEWS in Twitter