MALAPIT nang matapos ng Maynilad Water Services Inc. ang kanilang Caloocan-Malabon-Navotas Water Reclamation Facility.
Sa anunsiyo ng water concessionaire nitong Disyembre 3, 2024, 83 percent complete na ang P10.5B na facility.
Sa taya, sa susunod na taon na ito magiging operational.
Kung makukumpleto na ay mas mapapaunlad na ng Maynilad ang kanilang serbisyo sa South Caloocan, Malabon, at Navotas.