Cambodia, magbibigay ng libreng pagkain at accommodation sa SEA Games delegates

Cambodia, magbibigay ng libreng pagkain at accommodation sa SEA Games delegates

MAGBIBIGAY ng libreng pagkain at accommodation ang 32nd Southeast Asian (SEA) Games host country na Cambodia sa lahat ng delegates.

Ito ang inihayag ng Cambodia SEA Games Organizing Committee Permanent Vice President, Dr. Thong Khon bilang pagpapakita sa kanilang commitment bilang host country.

Ani Khon, desisyon ito ni His Excellency Samdech Akka Moha Sena Padei Techo Hun Sen, ang prime minister ng Kingdom of Cambodia.

Posibleng aabot sa 12,000 atleta, coaches at staff ang posibleng dadalo sa SEA Games.

Samantala, nagpasalamat si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino, aniya, malaking tulong ang naging desisyon ng Cambodia para sa national team ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter