NAGPADALA ang Cambodia ng five-member delegation sa isa sa pinakamalaking competition ng World Swimming Championships.
Ang National Olympic Committee of Cambodia (NOCC) ay nag-anunsyo ilang araw na ang nakalipas na team na binubuo ng apat na atleta at isang solong coach ay sasabak sa 15th Fédération Internationale De Natation (FINA) World Swimming Championships.
Ang kaganapan ay gaganapin sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) mula Disyembre 16 hanggang 21.
Ayon sa NOCC, higit sa 180 bansa ang mayroong kinakatawan sa kompetisyon.
Ang ika-15 na edisyon ng taunang torneo ay dapat na gaganapin noong nakaraang taon, ngunit naantala ng ilang beses dahil sa pandemya na COVID-19.
Ang team Cambodia ay binubuo ng Cambodian-American swimmers na sina Kaing Muynin, Mei-li Tan Minnich, Matthew Bennici at Sovann Montross at pinamumunuan ni Cambodian-American swimming coach na si Neang Sorithya.
Ang team ay umalis patungong UAE noong Disyembre 12, ang apat na manlalaro ay sasabak sa 50-meter freestyle at 100-meter freestyle bukod sa iba pang kategorya.