Cambodia PM Hun Sen, most followed global leader na sa Telegram

Cambodia PM Hun Sen, most followed global leader na sa Telegram

Si Cambodian Prime Minister Hun Sen ang unang lider na naging most followed person on Telegram at nalamangan na nga si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Kahit na noong Mayo lamang inilunsad ng punong ministro ang Telegram account nito, umabot na sa 934,827 na subscribers.

Habang si Ukrainian President Zelenskiy ay mayroon lamang 929,000 subscribers.

Noong nakaraang araw nga ay inanunsiyo ng Ministry of Posts and Telecommunications na ang Telegram Channel ni Samdech Hun Sen, prime minister ng bansa ang isa sa most followed Telegram Channel sa mundo.

Kasabay nito ay hinihimok naman ng ministry ang publiko na patuloy na sumubaybay sa Telegram Channel ng punong ministro.

Para gawin ito, i-type lamang ang @spmhunsen sa Telegram.

Matatandaan na kusang binura ni Hun Sen ang kaniyang Facebook account kamakailan at sinabing hindi na maaaring manatili pa sa Cambodia ang mga Facebook representatives.

Follow SMNI NEWS in Twitter