NILINAW ng actress-tv host na si Camille Prats, tiniyak na malusog ang pangangatawan sa kabila ng pagbaba ng timbang.
Nilinaw ng actress-tv host na si Camille na malusog siya at wala syang iniindang sakit.
View this post on Instagram
Ito ay sa kabila ng halo-halong reaksyon na kanyang natanggap kaugnay sa pagbaba ng kanyang timbang.
Sa Facebook post ng actress-tv host, sinabi niyang tanggap niya ang reaksyon ng netizens hinggil sa kanyang pagpapayat subalit tiniyak nito na wala syang problema sa pangangatawan.
Ayon sa kanya, napag-usapan nila ng asawang si VJ Yambao na sumailalim sa isang fitness journey para manatiling malusog sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ang kanyang pagpayat ay normal lang aniya itong resulta sa naturang fitness journey.