IPINAALALA ng Commission on Elections (COMELEC) na gumamit ng biodegradable campaign materials ang lahat ng mga kumakandidato ngayong midterm elections.
Ngayong linggo ay plano pa ng COMELEC na maglunsad ng mga inisyatiba para sa kampanya nilang makakalikasang halalan.
Ipinaalala na rin ng poll body na ilagay ng mga politiko ang kanilang campaign materials sa mga common poster area o humingi ng permiso mula sa mga pribadong indibidwal sakaling pinaplano ng mga ito na maglagay sa private properties.
Iwasan din anila ang pagkasira ng mga ari-arian, maging ang campaign materials ng ibang kandidato.
Dapat din, ayon sa COMELEC, na isaalang-alang ng mga politiko ang tamang sukat ng campaign materials.