KINUMPIRMA ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office na umabot na sa 4 ang kanseladong domestic flight sa NAIA dahil sa sama ng panahon.
Sa inilabas na abiso, kanselado ang biyahe ng PAL Express Flight 2P 2932 at 2P 2933 mula Manila patungong Basco pabalik.
Habang apektado rin ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 506 at 5J 507 na mula Manila patungong Tuguegarao o vice versa.
Pinapayuhan ang mga pasahero na apektado na makipag ugnayan lamang sa mga airlines para sa rebooking ng kanilang flight.