Candle Lighting Ceremony sa Hinunangan, Southern Leyte para kay Tatay Digong

Candle Lighting Ceremony sa Hinunangan, Southern Leyte para kay Tatay Digong

ISANG makulay at puno ng emosyon na candle lighting ceremony ang isinagawa ng mga taga-Hinunangan, Southern Leyte kasabay ng pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang aktibidad ay nagsilbing simbolo ng kanilang matibay na suporta at pagmamahal kay Tatay Digong, na patuloy nilang ipinapanalangin ang kanyang mabilis na pagbabalik sa bansa.

Ayon sa mga kalahok, ang apoy mula sa kandila ay sumisimbolo ng legasiya ni FPRRD—isang apoy na hindi kayang patayin, anuman ang mangyari.

Isang gabing puno ng pag-asa at pagkakaisa para sa kanilang lider na nagbigay ng malaking pagbabago at serbisyo sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble