BINIGYAN kamakailan ng Cebuana Lhuillier ng tatlong customized gold bars si gymnast Carlos Yulo.
Bilang token ito sa kaniyang historic two gold-medal haul sa 2024 Paris Olympics.
Maliban pa sa gold bars, may first class accommodations rin si Yulo sa premiere resort na Nawa Wellness sa Calatagan, Batangas.
Mapapansing bago ang token na ito ay mahigit P100-M na rin ang natanggap ni Yulo na mga incentive mula sa iba’t ibang grupo at indibidwal.