Carlos Yulo, naghahanda na para sa Asian Artistic Gymnastics Championships

Carlos Yulo, naghahanda na para sa Asian Artistic Gymnastics Championships

NAGHAHANDA na ngayon si Pinoy gymnast Carlos Yulo para sa Asian Artistic Gymnastics Championships na nakatakda sa June 10 hanggang 18 sa Singapore.

Ito’y matapos nakakuha siya ng 4 na gintong medalya sa nagpapatuloy na 32nd SEA Games sa Cambodia.

Sakaling maipanalo ni Yulo ang Pilipinas sa Asian Artistic Gymnastics Championships ay makakakuha ito ng spot para sa world championships na nakatakda sa September 29 hanggang October 8 sa Belgium.

Ito naman ang magiging daan para magkaroon ng spot para sa 2024 Paris Olympics si Yulo.

Sa kabila nito ay hindi na makakasali si Yulo sa nakatakdang Hangzhou Asian Games sa September 23 hanggang October 8.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter