Ika-28 gintong medalya ng Pilipinas sa 32nd SEA Games, nasungkit ni Agatha Wong

Ika-28 gintong medalya ng Pilipinas sa 32nd SEA Games, nasungkit ni Agatha Wong

HINDI inaasahan ni Pinoy wushu star Agatha Wong na makakuha ng gintong medalya para sa women’s taijiquan + taijijian event sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian (SEA) Games.

Aniya, sobrang busy ng kaniyang schedule dahil maliban sa kaniyang wushu training, nag-aaral din ito sa isang medical school.

Sa kompetisyon, nakakuha si Wong ng kabuuang iskor na 19.263 points matapos nakakuha ng 9.683 points sa women’s taijijian at 9.58 points sa taijiquan.

Noong nakaraang SEA Games ay sa taijijian lang nakakuha ng gold medal si Wong habang silver medal ang nakuha nito sa taijiquan.

Dahil dito, si Wong ang naghandog ng ika-28 gintong medalya para sa Pilipinas!

Follow SMNI NEWS in Twitter