NAKAKUHA muli ng mga gintong medalya si Carlos Yulo mula sa 11th Senior Men’s Artistic Gymnastics Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
Nakuha ito ni Yulo para sa vault at parallel bars na ginanap nitong Linggo, Mayo 19, 2024.
Kung matatandaan, nauna nang nakakuha ang atleta ng gold medals para sa individual all-around at floor exercise competition ng nabanggit na Asian championships.
Samantala, sa vault event ng junior division ay nanguna rin ang nakababata nitong kapatid na si Karl Eldrew.