PINAL nang idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) ang Carmona bilang bagong lungsod sa probinsiya ng Cavite.
Sa isinagawang plebisito ng Komisyon nitong Sabado, mahigit 30-K ang bomoto ng “oo” habang nasa mahigit 1-K lang ang “hindi”.
9:33 pm nitong Sabado nang pormal na iproklama ni Cavite Provincial Election Supervisor Atty. Mitzele Veron l. Morales-Castro ang conversion ng munisipalidad ng Carmona na maging lungsod.
Ang Carmona City na ang ika-8 lungsod sa probinsiya na kinabibilangan ng Bacoor, Dasmariñas, General Trias, Imus, Tagaytay, Trece Martires, at Cavite.