P12-B cash aid para sa mga magsasaka, sa Setyembre na ibibigay ng DA

P12-B cash aid para sa mga magsasaka, sa Setyembre na ibibigay ng DA

IPAMAMAHAGI na ng Department of Agriculture (DA) ngayong Setyembre ang P12-B na cash aid para sa mga magsasaka.

Tinatayang nasa 2.4 milyon na mga magsasaka ang benepisyaryo nito sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program.

Makatatanggap ang bawat isa sa kanila ng P5-K.

Matatandaang ang RFFA program ay sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL) kung saan naglalaan ang pamahalaan ng P10-B bawat taon mula sa tariff revenues ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Layunin ng pondo ang makapagbigay ng high-yielding seeds, farm machinery at training sessions sa mga magsasaka, at pag-aalok ng credit support.

Ang matitira mula sa P10-B ay gagamitin na sa nabanggit na RFFA program at iba pa na magbibigay tulong sa mga magsasaka.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble