Cash incentives para sa medalists ng SEAG, ASEAN, dinoble ni PBBM

Cash incentives para sa medalists ng SEAG, ASEAN, dinoble ni PBBM

DINOBLE ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang cash incentives ng mga nagwagi ng medalya sa ginanap na 32nd Southeast Asian Games (SEAG) at ang 19th ASEAN Para Games na ginanap sa Cambodia ngayong taon.

Inihayag ang anunsiyo matapos ang awarding ceremony nitong Miyerkules, Agosto 9 sa Malacañang.

Sa ilalim ng Republic Act 10699 or The Expanded National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act, ang mga nanalo ng ginto sa SEAG ay makakukuha ng P300,000, habang ang silver medalists ay P150,000 at P60,000 naman sa mga nanalo ng bronze.

Ito ay mula sa mga dating halaga na P150,000 (gold), P75,000 (silver) and P30,000 (bronze).

Sa kabuuan, nakakolekta ang Team Philippines ng 58 na ginto, 85 na silver at 117 na bronze na medalya sa SEAG, tampok ang panalo ng Pilipinas na may 34 golds, 33 silvers at 50 bronzes sa ASEAN Para Games.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble