Cast ng ‘F4 Thailand’, nakatakdang magsagawa ng concert sa bansa sa Nov. 19

Cast ng ‘F4 Thailand’, nakatakdang magsagawa ng concert sa bansa sa Nov. 19

NAKATAKDANG magdaos ang cast ng Thai adaptation ng “Boys Over Flowers” ng concert sa bansa sa susunod na buwan ayon mismo sa Thai Company na GMMTV.

Sa announcement ng GMMTV, sinabi nito na ang “Shooting Star” concert tour nito ay isasagawa sa World Trade Center, Pasay City sa November 19.

Nagkakahalaga ang presyo ng mga ticket mula 3,500 hanggang 13,500 pesos na magsisimula ang bentahan nito sa October 15.

Kasama sa line up sila Brigh Vachirawit, Win Metawin, De Jirawat, at Nani Hirunkit.

Ang “F4 Thailand” ay base sa Japanese manga na “Boys Over Flowers,” na naunang i-adapt sa TV series noong 2000s sa Taiwan, bilang “Meteor Garden.”

Follow SMNI NEWS in Twitter