NAGBIGAY ng payo si Teacher Abegail Perez sa mga magulang ng kaniyang mga mag-aaral sa Kindergarten at Grade 3 kaugnay sa Catch-up Fridays ng Department of Education (DepEd).
“Gusto ko po sanang baguhin yung pananaw nila na ‘yung Catch-up Fridays po, ‘yun po ‘yung mas makakatulong sa mga anak nila na noon po, oo marunong bumasa, pero ‘yung comprehension po nila mas malilinang kung papasok po sila every Friday.”
Aniya, isa ang Catch-up Friday sa mga aktibidad na makatutulong sa mga mag-aaral na mas maging masipag sa pag-aaral lalo’t nagkaroon ng matagal na distance learning dahil sa pandemya.
Kaya naman bilang guro, sinisiguro niyang mababawi ng kaniyang mga mag-aaral ang mga nawalang leksiyon at oras sa pag-aaral sa pamamagitan ng Catch-up Fridays.