WALANG pasok sa Cavite City ngayong araw, Enero 28, 2025.
Batay ito sa Republic Act No. 7805 na nagdedeklara sa Enero 28 ng bawat taon bilang non-working special public holiday sa lugar.
Ito’y dahil tubong Cavite City si Julian Felipe at ipinagdiriwang ngayong araw ang kaniyang 164th na kaarawan.
Si Julian Felipe ay ipinanganak sa Cavite noong Enero 28, 1861.
Siya ay isang Pilipinong kompositor na nasa likod sa paggawa ng Pambansang Awit ng Pilipinas na ‘Lupang Hinirang’.