Cayetano sa label na ‘pro-China’: Madaling makipagsigawan pero mga mangingisda, Coast Guard ang kawawa

Cayetano sa label na ‘pro-China’: Madaling makipagsigawan pero mga mangingisda, Coast Guard ang kawawa

ANG dali-daling tumayo diyan at murahin ang mga Chinese para maging popular ka, pero ang kawawa ay yung mga mangingisda na hindi makakapangisda.

Ito ang tugon ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Lunes sa mga paratang na siya ay “pro-China” dahil sa hindi niya pagpayag na dalhin sa United Nations General Assembly (UNGA) ang reklamo ng bansa laban sa panggigipit ng China sa Coast Guard ng Pilipinas.

“Nagmumukha lang tayong matapang sa [ganoon] but we’re actually shooting ourselves on the foot,” sagot niya sa isang press conference nitong July 31”.

Pahayag ng independent senator na naging Foreign Affairs Secretary mula 2017 – 2018, sa ilalim ni noo’y Pangulong Rodrigo Roa Duterte, mas gugustuhin niyang “ma-bash” sa “paggawa ng tama” kaysa ipagsapalaran ang kaligtasan at mga karapatang pang-ekonomiya ng mga Pilipinong mangingisda at militar sa West Philippine Sea (WPS).

“Kung wala akong experience na positive at kung hindi sure ‘yung sinasabi ko, hindi na lang ako magsasalita o kaya makikisali na lang ako sa murahan na lang. Pero hindi nga [ganoon] eh,” dagdag ni Cayetano.

“Kawawa ang mga Coast Guard na baka maaksidente siya sa tubig, kawawa ang mga Navy na baka hindi makuha ang supplies nila,” aniya.

Binanggit ni Cayetano kung paanong naibalik ang karapatan ng mga Pilipinong mangingisda sa WPS noong administrasyong Duterte sa pamamagitan ng “calm and circumspect” na estratehiya pagdating sa pakikipag-negosasyon sa China.

“During our time, nagawan namin ng paraan pati ‘yung paghahatid sa Ayungin Shoal ng mga supplies ng mga nandoon nang walang problema,” dagdag niya.

Sa panahon ng arbitration award, bawal mangisda ang Filipino sa Scarborough. ‘Nung pumasok si Duterte at nag-usap [ang Pilipinas at China], puwede nang mangisda,” aniya.

Ang mga pahayag na ito ng independent senator ay kasabay ng isinagawang closed-door meeting ng Senado kasama ang mga miyembro ng National Task Force for the WPS, matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Security Council, at Department of Foreign Affairs (DFA).

Isinagawa ang pagpupulong upang talakayin ang panukalang Senate Resolution 659, kasunod ng rekomendasyon ni Cayetano noong nakaraang linggo na kumonsulta muna sa Ehekutibo at mangalap ng ‘tamang impormasyon’ bago pagtibayin ang resolusyon.

Ang resolusyon na ipinanukala ni Sen. Risa Hontiveros ay naglalayong himukin ang gobyerno sa pamamagitan ng DFA na maghain ng resolusyon sa UNGA na nananawagan sa China laban sa panggigipit nito sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa WPS.

“Parang ang dating kasi sa tao, ‘pag pumunta tayo sa UN, mas matapang tayo, maso-solve natin ‘to. Pero kung magbotohan at sabihin mong 30 [na bansa] ang mag-abstain, eh ‘di parang humina pa y’ung [Arbitral Ruling] natin,” pahayag ni Cayetano.

Hinikayat niya ang mga kapwa mambabatas na huwag bigyan ng ‘false hope’ ang sambayanang Pilipino.

“We cannot keep telling our people na tatayuan natin ‘to, matapang tayo, punta tayo doon. And then pagdating doon, [China] gets more aggressive, kawawa ang fishermen natin, kawawa ‘yung ating Coast Guard,” aniya.

Muli niyang idiniin na ang UNGA ay walang ‘enforcement mechanism’ kaya ‘none of [the countries] can tell China to back-off’.

“So sa akin, mas kalmado tayo, mas circumspect, matapang nating sabihin ‘yung mali,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble