CCC, nagagalak sa higit 50% na pagtaas sa ilalaang pondo sa klima sa taong 2023

CCC, nagagalak sa higit 50% na pagtaas sa ilalaang pondo sa klima sa taong 2023

NAGAGALAK ang Climate Change Commission (CCC) sa pagtaas ng higit sa 50% ng pondong ilalaan para sa climate-related expenditure sa 2023 proposed budget.

Ayon sa CCC, makatutulong ito sa Climate Change Adaptation at Mitigation Projects ng National Government Institutions’ (NGIs).

Base sa mga figure na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) National Expenditure Program (NEP) na isinumite sa House of Representatives nitong Agosto 22, aabot sa 5.268 trillion pesos ang proposed national budget para sa taong 2023.

Mula sa pondong ito, nasa 453.1 billion pesos ang ilalaan para sa climate adaptation and mitigation actions ng NGIs.

Ito ay 56% na mas mataas kaysa sa 2022 General Appropriations Act’s (GAA) na 289.7 billion na inilaan para sa Climate Change Adaptation and Mitigation Programs and Projects ng NGIs.

Ayon kay CCC Vice Chair and Executive Director (VCED) Robert Borje, ang pagtaas ng budget ay nagpapakita ng whole-of-country at whole-of-society approach upang maibsan ang epekto ng climate change.

Aniya, nagpapakita rin ito ng commitment ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagkakaroon ng urgent, integrated at transformative climate actions.

Follow SMNI NEWS in Twitter