SINABI ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na posibleng magkaroon na ng ceasefire sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Binigyang-diin nito sa kaniyang mga kaalyado na dagdagan ang pressure sa Russia upang maisakatuparan na ang tigil-putukan.
Noong nakaraang linggo ay nagdeklara na si Russian President Vladimir Putin ng tatlong araw na tigil-putukan mula Mayo 8 hanggang 10, 2025.
Bilang paggunita ito sa ika-80th anniversary ng tagumpay ng Soviet Union at mga kaalyado nito laban sa Nazi Germany noong World War II.