Cebu City, isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton

Cebu City, isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton

ISINAILALIM ngayon ang lungsod ng Cebu sa state of calamity dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Ito ay idineklara ni Cebu City Mayor Michael Rama kasunod ng malakas na ulan na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa lungsod.

Inanunsiyo rin ni Rama ang suspensiyon sa lahat ng trabaho at klase sa lungsod.

Naglabas din si Cebu Governor Gwen Garcia ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa probinsiya dahil pa rin sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Kaugnay nito, isinailalim din ngayon sa state of calamity ang bayan ng Trento, Agusan del Sur dahil sa pinsala ng bagyo.

Follow SMNI News on Twitter