PUSPUSAN na ang paghahanda ng mga kawani ng Cebu City government sa venue ng Grand Parade Showdown ng Sinulog Festival 2024.
Gaganapin ito sa Citi di Mare, South Road Properties, Cebu City bukas araw ng Linggo, Enero 21, 2024.
Tampok ang street dancing competition ng iba’t ibang contingents, floats, puppeteers, higantes, at marami pang iba.