SIMULA Oktubre 24, 2024, ang CEB ay mag-ooperate ng flights sa pagitan ng Cebu at San Vicente, Palawan. Apat na beses kada linggo – tuwing Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo.
Bukod pa dito sinabi rin ng Cebu Pacific, simula ngayon Hunyo 19, 2024 – Hunyo 26, 2024, ang mga pasahero ay maaaring mag-book ng mga direktang flight sa pagitan ng Cebu at San Vicente sa halagang PHP 1 one-way base fare para sa paglalakbay sa pagitan ng Oktubre 24, 2024, at Marso 29, 2025.
Bukod pa rito, ang connecting flight papuntang San Vicente mula Manila ay maaring ma-avail sa halagang PHP 998 one-way base fare, na ang booking ay bukas hanggang Hunyo 30, 2024, para sa parehong travel period. Ang mga booking ay hindi kasama sa fees at surcharges.
Maaaring gamitin ng mga pasahero ang kanilang existing travel fund upang mag-book ng mga flight at mag-avail ng iba pang mga add-on.