Celeste Cortesi, pinaghahandaan na ang Miss Universe 2023 sa araw na nanalo ito sa Miss U PH

Celeste Cortesi, pinaghahandaan na ang Miss Universe 2023 sa araw na nanalo ito sa Miss U PH

INIHAHANDA na ni Celeste Cortesi ang kanyang sarili simula noong nanalo siya sa Miss Universe Philippines nitong Abril.

Ito ang dahilan kung bakit masasabi ng beauty queen na sobrang handa na siya para sa coronation night sa January 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana, United States.

Ibinahagi ni Celeste Cortesi na bagamat nagtatrabaho at nakikipagtulungan ito kasama ang ilang organizations, nagiging routine na niya ang gumigising ng maaga kasabay ang pagsasagawa na ng kanyang workout.

Sa gabi naman ang kanyang training para sa Miss Universe gaya na lang ng kanyang parasela o catwalk at pagsasanay sa communication skills.

Samantala, ang adbokasiya ni Celeste na kasalukuyan nang nasa Estados Unidos ay sesentro sa pagreresolba ng gutom at malnutrisyon ng mga kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter