Centenarian ng Maynila, nakatangap ng 100-K mula sa alkalde ng Maynila

Centenarian ng Maynila, nakatangap ng 100-K mula sa alkalde ng Maynila

LABIS ang tuwa at pasasalamat ng mga pamilya ni Socorro, sa pagkilala at pagbibigay ng 100,000 pesos, sa kanilang magulang na umabot sa 101 na taon.

Mismong si Manila City Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan ang personal na naghatid ng ng 100,000 pesos na tseke kay centenarian Socorro Bello nitong Huwebes, Hunyo 1.

Ang senior citizen na naninirahan sa Paco, na nagdiwang ng kaniyang ika-101 kaarawan noong Mayo, ay tumanggap ng certificate of recognition mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila kasama ang tseke.

Ayon sa alkalde, tuluy-tuloy pa rin ang programa ng lungsod sa mga centenarian na maibigay ang ipinangako sa kanila na 100,000 pesos sa ika-100 taon ng kanilang edad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter