MAIIWASAN ang cervical cancer sa pamamagitan ng bakuna, mga impormasyon, kaalaman, maging ang regular na gynecological care.
Madalas naisasawalang bahala ng maraming mga kababaihan ang pagsasagawa ng regular na screening at check-up.
Marami sa mga Pilipino ay kulang sa sapat na kaalaman kung papaano tutugunan ang mga iniindang sakit, lalo pa’t ito pala ay maaring maiwasan bago lumala.
Kamakailan, nagsagawa ng pakikipagtulungan ang MSD Philippines sa mga health advocate, medical society, media, at influencers sa Cebu upang pangunahan ang kampanyang “Community Against Cervical Cancer: Together We can Cancel Cervical Cancer”.
“Not a lot of people know about it, awareness is very lacking in the society that is why, we had made an effort, MSD, the local government or the national government had made efforts collaborating each other to disseminate the information regarding HPV para mas okay ang awareness. Now there lies the answer, the lack of awareness kasi kung marami lang ang aware I’m sure maraming nagpapa-screen, maraming nagpapa-vaccine,” ayon kay Stephanie Gail Mesina-Veneracion, MD, DPOGS, Obstetrician, General and Cosmetic Gynecologist.
Sa pamamagitan ng mga impormasyon, kaalaman, maging ang regular na gynecological care, maari itong iwasan at malabanan habang maaga.
Sa kalagitnaan ng lecture ni Dr. Veneracion, nagulat ang lahat nang sinabi nitong ang human papillomavirus (HPV) ay isang secret pandemic, bakit nga?
“HPV is a silent pandemic, kasi nga 80% in our lifetime we will have a chance to acquire a papilloma virus, in our country naman 11 woman died of cervical cancer everyday and that makes 7,119 new cases of cervical cancer every year. And cervical cancer also is the second leading cause of cancer deaths among Filipinas, that is why it’s a silent pandemic,” dagdag ni Dr. Veneracion.
“That is the second highest among female, 1st is the best, 2nd is the cervical cancer. So far ang nakikita natin is really rising. The good thing is that ‘yung cervical cancer kasi is really a preventive kind of cancer, so the early screening, the early prevention we can do mas marami tayo, we can save more women who are having this kind of or in this kind of situation,” ayon kay Dr. Jera C. Armendarez, DOH, Medical Officer I.
Ang HPV ay isang karaniwang virus na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Isa lang ang cervical cancer sa mga maaring sakit na dulot ng HPV, kabilang na ang vaginal at vulvar cancers, penile cancer, anal cancer, oropharyngeal cancer, at genital warts.
Ang mga bakuna sa HPV ay maaaring ibigay sa mga babae at lalaki simula siyam taong gulang upang sila ay protektado mula sa mga impeksiyon sa HPV.
Ang mga teenager at young adult hanggang sa edad na 26 ay dapat ding magkaroon ng pagbabakuna sa HPV.
Samantala, sa mga edad 45 pataas ay dapat makipagkita sa kanilang mga doktor dahil mas higit na kailangan nila ng bakuna.
“That is why it is really nice if we will really give vaccines from ages 9-14 which the Department of Health is providing the vaccine for free,” dagdag ni Armendarez.
Bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na protektahan ang mga bata, ang pagbabakuna sa HPV ay ibinibigay sa mga grade 4 students batay sa recommended age ng DOH.
At dahil pataas nang pataas ang pangangailangang maprotektahan ang ating kalusugan lalo na ang mga kababaihan, maaari nang magpabakuna sa mga awtorisadong pharmacy malapit sa inyong mga lugar sa mas abot kayang halaga.
Samantala, kung magtutuluy-tuloy ang pagtanggap ng kaalaman para malabanan ang HPV, libu-libong buhay ang masasagip sa nakamamatay na cervical cancer.