MATIBAY ang Cessna planes ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio sa panayam ng SMNI News.
Ito ang dahilan kung bakit pinipili ng flying schools ang Cessna plane.
Matatandaang noong Sabado, February 18 ay nag-take off ang Cessna Plane 340 mula Bicol papuntang Maynila ngunit nawala ito sa kaparehong araw.
February 19 ay natagpuan din naman ang naturang Cessna plane sa Bulkang Mayon sa Albay maging ang bangkay ng apat na pasahero nito.
Samantala, noong January 24, 2023, ang Cessna 206 ay nawala rin matapos itong lumipad mula Cauayan, Isabela papuntang Maconacon, Isabela.
Sa ngayon, ay wala pang update hinggil sa Cessna plane na ito mula Cauayan.
January 25, 2023 naman ay bumagsak ang isa pang Cessna plane lulan ang dalawang pasahero sa Pilar, Bataan.