CGS Marinduque, nagsagawa ng Baywatch Patrol para sa Semana Santa

CGS Marinduque, nagsagawa ng Baywatch Patrol para sa Semana Santa

SA paggunita ng Semana Santa, puspusan ang Baywatch Patrol operations ng Coast Guard Station Marinduque kasama ang mga Sub-Stations at Operational Control Units nito.

Ang mga patrol na ito ay isinasagawa sa mga pangunahing baybaying-dagat at rutang panturista upang mabantayan ang maritime activities, magbigay-tulong sa mga biyahero, at agarang tumugon sakaling may emergency.

Hinimok ng Philippine Coast Guard ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak ang maayos, mapayapa, at ligtas na pagdiriwang ng Mahal na Araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter