Cha Eun-Woo, ido-donate ang kita ng kanyang nakatakdang photo exhibit

Cha Eun-Woo, ido-donate ang kita ng kanyang nakatakdang photo exhibit

MAPUPUNTA sa isang hindi pinangalanang charity ang kikitain ng photo exhibit ng actor at singer na si Cha Eun-Woo.

Bagamat hindi pa tiyak ang araw, itatampok sa nakatakdang photo exhibit ang mga larawang si Eun-Woo mismo ang kumuha.

Ang mga larawan ay may labing dalawang category at may kabuoang pamagat na “Archive”.

Samantala, si Eun-Woo ay myembro ng South Korean boy group na Astro.

Isang idol-actor rin ito at ang pinakaunang big screen debut nito ay ang palabas na “Decibel.”

Follow SMNI NEWS in Twitter