Chavit Singson at Gringo Honasan, tatakbo bilang mga senador

Chavit Singson at Gringo Honasan, tatakbo bilang mga senador

NAGHAIN na ng kaniyang kandidatura bilang independent senatorial aspirant ngayong araw, Oktubre 7, 2024 si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Manalo o matalo sa eleksiyon, ipinangako ni Singson na tutulungan niya ang mga tsuper na makakuha ng modern jeepney na walang interes.

Si dating Sen. Gringo Honasan ay nais din na makabalik sa Senado sa 2025 at layunin niyang paigtingin ang national security sa bansa.

Samantala, sasabak sa 2025 senatorial race si retired military officer Ariel Querubin matapos makapaghain ng COC sa ilalim ng Nacionalista Party.

Nais niyang mapalaya ang mga Pilipino sa gutom at kahirapan, mabigyan ang mga kabataan ng de-kalidad na edukasyon, at maprotektahan ang West Philippine Sea (WPS).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble