NAAYOS na nina Chen, Baekyhun, at Xiumin- ang tatlong miyembro ng South Korean boy group na EXO ang kanilang problema sa pagitan ng SM Entertainment.
Ayon sa Naver, isang local media, napagkasunduan na imbis umalis sa kompanya ay may binago na ang SM sa kontrata ng tatlo.
Dahil dito, malinaw na magpapatuloy bilang miyembro ng EXO ang tatlo at mananatiling kabahagi ng mga activity ng grupo sa hinaharap.
Matatandaang sa unang bahagi ng buwan ay naghain ng contract termination ang tatlo.
Ang contract termination ay nag-ugat matapos hiniling ng tatlong artists ang ilang mga dokumento hinggil sa detalye ng kanilang kita at bayad mula buwan ng Marso hanggang Mayo.
Iyon nga lang, hindi ito binigay ng talent agency sa kabila ng pagkakaroon ng karapatan ng artists na malaman ito.
Samantala, sikat ang EXO sa mga kanta tulad ng “Growl”, “Wolf”, “Monster”, “Call Me Baby”, at “Kokobop”.