IKINATUWA ng Cherry Tigo Crossovers ang pagbubukas ng kampanya nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference matapos nitong talunin ang F2 Logistics.
Nagawang walisin ng Crossovers ang F2 Logistics sa 3 sets na nagtapos sa iskor na 25-23,25-21, at 25-22.
Ayon kay Coach Clarence Esteban, kasalukuyan silang nasa rebuilding phase matapos nitong mawala ang 7 manlalaro nito matapos ang nagdaang torneyo kasama na ang veteran middle blocker na si Maika Ortiz.
Ngunit ayon kay Esteban, sa kabila nito ay maganda ang nakikita nilang resulta.
Nagawang manalo ng Crossovers sa kabila ng kakulangan sa performance ng import nitong si Cvijovic na nakapag-ambag lamang ng 8 points.
Ngunit ani Esteban, kumpyansa naman siyang magiging mas mabuti pa ang performance ng Cherry Tigo habang nag-a-adjust si Cvijovic sa kanilang playing style.
Susunod na kahaharapin ng Crossovers ang Cignal HD sa Sabado.