ISA ang child abuse sa nakikitang kaso na puwede isampa sa mga armadong awtoridad at ang mga nasa likod ng marahas ng paglusob sa KOJC religious compound na nagdulot ng trauma sa mga kabataan.
“After nung June 10, 2024, ‘yung nangyari, ang incident lumusod ‘yung mga SAF, CIDG, mga pulis dito sa compound, ‘yung ugali ng anak nagiba talagang na-traumatize talaga sila.”
“Grabe ‘yung takot na naramdaman nila, ayaw na nila ako umalis ng bahay,” ayon kay Ronald Ferrer, KOJC Missionary | Music Department.
Tumatak na sa isipan ng mga kabataang nakatira sa KOJC religious compounds ang matinding takot dulot ng marahas na paglusob ng mga armadong awtoridad, nitong madaling araw ng Hunyo 10, 2024.
Sabay-sabay na nilusob ng mga armadong kapulisan ang religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ – ang headquarters nito sa Davao City, Prayer at Glory Mountain sa paanan ng Mt. Apo at ang Kitbog Compound sa Malungon, Sarangani Province.
“If a child may have experienced and first-hand witnessed a significant amount of stress, anxiety after being caught a traumatic event, maaari talaga itong magdulot ng intense fear, at saka sense of danger,” ayon kay Abegail Grace Escobido, Psychologist.
Naniniwala si Atty. Marlon Bosantog, isa sa anchor ng Pilipinas Nating Mahal online show, na dapat iwasan ang ganitong klaseng trauma sa mga bata kung ginawa lang ng mga awtoridad nang maayos ang trabaho nila.
“At alam mo rin na bago ka mag-serve sa isang area, so when you serve a warrant of arrest, you serve it to a person not to a place but i-case mo ‘yung place na ‘yun you know what kind of people are inside that place and what you do is a proportionate response ‘pag alam mo kasi impossible naman hindi nila alam at ‘yan ay pinamamahayan ng family, andiyan ang mga bata you don’t go there in a full battle gear holding M16 kitang-kita naman sa video sirain mo ‘yung gate eh wala ka namang nakuha the purpose of your operation was not successful so what you did is you traumatized the children, hindi mo pwedeng so simply, o wala naggawa namin ito sinira namin ang mga gamit nanira kami ng mga gate, we expose ourselves to these people na tingnan mo na parang lulusob kami sa giyera and at that time may mga bata and you do not expect na magkakaroon ng trauma na mangyayari,” wika ni Atty. Marlon Bosantog, Anchor, Pilipinas Nating Mahal.
Kaya naman naniniwala si Bosantog na dapat na isama ang child abuse sa mga kasong isasampa sa mga sangkot sa marahas na paglusob ng mga awtoridad sa KOJC religious compounds na nagdulot ng trauma sa mga batang walang muwang na siya ring nais ng KOJC legal counsel at mga magulang ng mga bata.
“Unang-una administratibo, grave abuse of authority, pangalawa if in the conduct of your operation hinahanap kasi if you degrade intrinsic value of a child by your action it could be child abuse at alam nila ‘yan, oo mabigat ‘yan, kasi that is penalty and imprisonment ang tanong kasi diyan nung pumunta ka sa area na ‘yan, alam mo ba na walang mga bata diyan, impossible because you must have conducted first a surveillance of the area para alam mo na ang subject ng warrant of arrest ay nandiyan,” ani Atty. Bosantog.
“In addition to that, we are also looking into child abuse considering the trauma that the children in this situation were subjected to,” saad ni Atty. Dinah Tolentino-Fuentes, KOJC Legal Counsel.
“Ako, pabor na pabor ako na kasuhan ng child abuse ang mga kapulisan na lumusob dito sa Kojc compound lalong lalo na ang nag-utos sa kanila, ang pinakaulo nila kasi hindi talaga normal, naapektuhan talaga ang damdamin ng mga bata, ever since hindi naman sila ganun pinalaki kami ni Pastor dito, inalagaan kami dito na puro love lang, pagmamahal lang in-iimplement sa amin, nagtaka ako bakit ganun, masakit para sa akin bilang magulang na makita ang bunsong anak mo na ganun na ayokong ipakita sa kanila na ganun ‘yung nangyayari,” Ronald Ferrer, KOJC Missionary | Music Department.
Una nang sinabi ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng KOJC na magsasampa ng kaso laban sa mga pulis na lumusob sa KOJC religious compounds pati na rin ang iba pang opisyal ng pamahalaan na nasa likod nito.
Ang mga isasampa ay mga kasong administratibo tulad ng grave misconduct, grave abuse of authority, conduct unbecoming of a public officer na posibleng magpapaalis o magtanggal sa kanila sa serbisyo batay na rin sa patakaran ng civil service at magdudulot ng perpetual disqualification for public office.