MALUGOD na tinanggap ng China ang pagdating ng Komeito delegation ng Japan kung saan isinusulong nito ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Sisimulan ng Japanese delegation ang pagbisita sa Miyerkules sa pangunguna ni Natsuo Yamaguchi, ang pinuno ng nangungunang coalition party na Komeito.
“China welcomes the visit of the delegation, led by Komeito’s leader Natsuo Yamaguchi. We hope it will push for improving and growing China-Japan relations through communication and exchanges,” ayon kay Mao Ning.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Mao Ning, umaasa ang bansa na itutulak nito ang pagpapabuti at pagpapalago sa relasyon ng China at Japan sa pamamagitan ng komunikasyon.
Samantala, sinabi naman ni Mao na ang trilateral cooperation sa pagitan ng China, Japan, at Republic of Korea ay makatutulong sa katatagan at kaunlaran ng buong rehiyon sa Asya.
“The Chinese side believes that the trilateral cooperation serves the common interests of our three countries and is beneficial to regional stability and prosperity. The three sides are in contact on matters related to this meeting,” dagdag ni Mao Ning.
Aniya, naniniwala ang buong panig ng China, na ang trilateral cooperation ay nagsisilbi sa parehong interes ng tatlong bansa at nagtataguyod ng katatagan at kaunlaran sa mga rehiyon.