“South China Sea” — ang pangalang matagal nang ginagamit at kinikilala ng international community.
Ito ang buwelta ng China hinggil sa ulat na makikita na sa Google Maps ang bahagi ng South China Sea sa kanluran ng Pilipinas na binansagang “West Philippine Sea” (WPS).
Napag-alaman ito noong araw ng Lunes, Abril 14.
Makikita rin sa Google Maps search na nasa loob ng WPS ang Scarborough Shoal o Panatag Shoal na karaniwang fishing ground na pasok sa 200-nautical miles exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Tugon ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian tungkol dito, ang “South China Sea” ay ang geographic name na matagal nang ginagamit, kinikilala, at tinatanggap ng international community, kasama ng mga bansa sa buong mundo at mga pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations.
“Let me point out that “South China Sea” is the geographic name that has long been used, recognized and accepted by the international community, including countries worldwide and international organizations such as the UN,” ayon kay Lin Jian, Spokesperson, Chinese Foreign Ministry.