China, nagsagawa ng combat exercise kalapit ng Taiwan; Nasa 57 eroplano, namataan

China, nagsagawa ng combat exercise kalapit ng Taiwan; Nasa 57 eroplano, namataan

NAGSAGAWA ang China ng combat exercises sa karagatan at himpapawid na kalapit ng Taiwan ayon sa militar ng bansa.

Ayon sa self-ruled island, 4 na Chinese warships at 57 military aircraft ang kanilang namataan.

Dagdag pa ng Defense Ministry ng Taiwan, 28 sa 57 na aircraft ang na-detect sa loob ng 24 oras ang tumawid sa median line sa pagitan ng Mainland at Taiwan na air defense identification zone nito.

Sinabi rin ng Ministry na pinag-utos ng Taiwan military sa aircraft, vessels at land-based missile systems na rumesponde sa mga ginagawang aktibidad ng China.

Noong Lunes lamang nang dumating ang delegates ng mga German lawmakers sa Taiwan para sa 4-day visit nito kung saan nakatakda rin silang makipagpulong kay President Tsai Ing-Wen.

Matatandaan na magkahiwalay ang gobyerno ng Mainland China at Taiwan simula noong 1949 dahil sa civil war ngunit ayon sa mga lider ng Beijing, muli nila itong sasakupin gamit ang pwersa kung kinakailangan. combat 

Follow SMNI NEWS in Twitter